Adbokasiya sa Wikang Filipino
Monday, August 27, 2018
Wikang Filipino: Atin ipaglaban ngayon upang ito ay mapagyabong ng bagong henerasyon.
Ako, ikaw, tayo ay mga Filipino kaya dapat lang natin mahalin, alamin at ipaglaban ang sariling atin.
Hindi lahat ng mga Filipino ay alam kong anu ang pinagmulan ng ating wika at kong sino ang mga taong nagpakahirap upang tayo ay magkaroon at masasabing ating sariling wikang pambansa. Sabi pa nga ni Dr. Jose P. Rizal, "Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa mabaho at malansang isda". Iminumungkahi lang ng ating pambansang bayani na hindi dapat natin kalimutan kong anu ang ating orihinal na pag kakakilanlan, bagkus ito'y ating mahalin at ipagmalaki na tayo ay Filipino. Alam naman natin na hindi na masayadong pinag aaralan ang ating kasaysayan ng wika kaya't hindi nadadama ng kabataan na napakahalaga nito para sa atin pagkakakilanlan. Marami ng kabataan ang nakatoon ang atensyon sa wikang Ingles dahil alam nila na ito ang pandaigdigang linggwahi. Ang Wikang Ingles din ang ginagamit sa pag hahanap ng trabaho kaya't mas gugustohin ng mga mag aaral na pag aralan ang Ingles kaysa sa wikang Filipino na ating sariling wika. Hindi ko sinasabing masamang pag-aralan ang wikang Ingles pero dapat natin pantayin ang ating atensyon sa dalawang mahalangang wika. Bilang pagpapasalamat sa mga taong nag pakahirap upang magkaroon tayo ng sariling wika kaya bilang isang Pilipino dapat natin ipagmalaki ang sarili nating wikang pambansa, na wikang Filipino. Kaya't bilang anak, kapatid, kaibigan, mag-aaral at isang mamamayan ng bansang Pilipinas huwag natin kalimutan ang ating sariling wika bagkus ito'y mahalin, alamin at ipaglaban para sa mga mag-aaral sa susunod pang mga henerasyon.
Subscribe to:
Posts (Atom)
Wikang Filipino: Atin ipaglaban ngayon upang ito ay mapagyabong ng bagong henerasyon.
Ako, ikaw, tayo ay mga Filipino kaya dapat lang natin mahalin, alamin at ipaglaban ang sariling atin. Hindi lahat ng mga Filipino ay al...
-
Ako, ikaw, tayo ay mga Filipino kaya dapat lang natin mahalin, alamin at ipaglaban ang sariling atin. Hindi lahat ng mga Filipino ay al...